Menu

Mahal

0 Comment

Mahal… Mahal kita
Maraming beses na akong nagtangka
Di malaman kung sadya lang talagang lampa o manhid
Heto ako at paulit ulit na nadarapa at nasasaktan
Isang araw ay napagod ako
Bakit ko ba ipipilit ang pagtakbo?
Kung pwede naman kaming tumigil at umupo
Umupo at maghintay
Kung tutuloy o susuko nalang
Tumigil ako
Tumigil ako sa paghabol sayo
Nagpahinga at humiga
At di nagtagal ay nakatulog na pala ako
Nakatulog ang pusong pagod
Nang maghintay at umasa
Pumikit ang mga matang
ayaw at sawa na sa pagluha
At sa pagmulat ko
Ay unti unting natuyo
Ang mga pisngi ko na dati
Ay basa sa nang aking pagluha
Sa paggising ko ay nagising na din ang puso ko
Na kasabay ng pagtigil ko sa pagtakbo
Tumigil na rin ang pagdurugo nito
Hindi ko inakala na sa paghinto ko ay
Mapapawi din ang sakit sa pusong ito
Hindi ko namalayan na sa pagpapahinga ko
mula sa pagtakbo
Ay mas minahal ko na ang sarili ko
At sa pagtigil ko
Nais kong sabihin sayo
Salamat mahal ko,
Pero suko na ako